Wednesday, September 13, 2006

Karnabal ng Striped-Delicacy

Nakita ko na naman si Boy Abunda sa TV. Hindi ko talaga alam kung bakit isang panot na monay na naka-stripe ang nakikita ko sa katauhan niya tuwing napapanood ko ang Homeboy. Bigla ko tuloy naalala iyong episode nila dati tungkol sa anniversary ng Star Magic.

Nagmistulang karnabal ang studio. Makikita ang iba't ibang nilalang na animo'y pinagkaitan ng Diyos ng itsura. May mga buhay na nunal, taeng nagsasalita at mga hinayupak na kulay-pigsa. Hanep!

Sumayaw ang Animê, at ako'y napanganga. magic talaga dahil nun lang ako nakakita ng mga tubol na umiindak. Panaka-naka ring tumatapat ang camera sa ex-PBB teen housemate na si Niña Jose. Grabe! Mala-tokador ang katawan tapos kasinlaki lang ng munggo ang ulo. Tsk! Kunsabagay, sayang nga naman yung extra-inch ng bone sa skull niya gayong sinliit lang din ng tuldok ang utak niya, diba? Marunong talaga ang Diyos. PRAISE BE TO THEE! At syempre, nandun rin ang asong si Fred Payawan. Mukha siyang durian na nag-atrasan lahat ng tinik. KEWL!

Mabait talaga si Kuya. Mga kaawa-awang nilalang ang kinukuha niya. Tulad na lang ng HUMAN SUMAN na si Uma at ang FECAL-FACED na si Sam Milby. Kung ayon sa mga alamat ay dough ang ginamit ng Diyos sa paglikha ng tao, marahil naubusan siya ng supply kung kaya't tae na lang ang ginamit niya para buuin si Sam. Bilib talaga ako sa ABS-CBN! Saan ka pa makakakita ng ipot na kumakanta diba?

At oo nga pala, patawarin ako ng Poong MayKapal, pero tanong lang, ANONG NANGYARO KAY NENE TAMAYO? Pasang-awa na sana ang itsura niya dati pero ngayon, tsk, tsk. Parang ininjectionan ng isang dram ng formalin tapos ay pinamake-upan sa isang amateur construction worker! Mygedness!

Nandun rin ang mga bubuwit ng SCQ. Ang mala-kubetang pagmumukha ni Charles at ang kulugo look-alike na si Aaron ang nagpalala sa sitwasyon. Karnabal na karnabal. At dahil nga ganun, dapat may aquarium. Pwede na dun ang mukhang dalag na si Janelle at ang babaeng seaweed na si Melissa. Idagdag pa ang mukhang hinambalos na hipon na si Sandara at ang utak-bulinaw na si Joseph. Sayang wala si Hero, walang jellyfish sa background. Tsk.

Dahil sa napanood ko, parang gusto ko na tuloy sumali sa STAR MAGIC. Malay niyo, madiscover ako! Tapos mabanggit pa sa mga blogs bilang "babaeng mukhang dila". Pwede rin ako maghost ng karnabal tulad ni Tito Boy. O diba? Pero sa totoo lang, gusto ko sana i-suggest sa kanya na magsuot naman ng wig paminsan-minsan. Para naman makakita tayo ng monay na parang minasa sa pagitan ng kilikili ni Niña.

Monday, September 11, 2006

Pagwawala sa Kawalan

Isang magandang araw sa lahat ng bagay sa mundo. Sa mga ibon, bulaklak, dahon, puno, at mga mukhang hipon na naglipana sa paligid.

Ito na ang araw na pinakahihintay. Ang araw ng pagsasanib ng dalawang nilalang na magiging isa sa mga INVINCIBLE PIMPLES sa mukha ng BLOGS! BWAHAHAHAHAHAHA! *with shoulder movement*

Isang makapangyarihang blog. JOINT ACCOUNT ng dalawang suki ng rehab. May kanya-kanya kaming goals and objectives ngunit naisip naming mas magiging mabagsik ito kung pagsamahin namin.

Kaya heto kami. Mga INOSENTENG nilalang na walang awang babatikos sa mga utak-dilis sa sanlibutan.

Narito na ang BULINAW HUNTERS.