Sunday, December 23, 2007

Muling Pagkikita (Random Blurbs)

Nitong magpapasko ay nagkitakitang muli ang mga Bulinaw Hunters. At tulad nang inaasahan, malamig ang pasko kaya paiinitin namin ang ulo niyo.

<*-*>: Duuuudz! Long time no see! Kumusta ka na!?
<^.^>: Heto, humihinga pa naman. Haha! Ikaw Duz, anong bago?
<*-*>: As usual, on the guard pa rin para sa mga utak-bulinaw na pakalat-kalat.
<^.^>: Haha! Oi, tama. Nabalitaan mo ba? May syota na si Ms. X.
<*-*>: Noooo! Sigurado ka!?
<^.^>: UU DUDZ! Nakita ko sa friendster nya! Pag-open ko ng account, susmaryosep! Mahigit walumpu ang litrato!
<*-*>: Aba, at nagawa pa niyang idisplay ang kanyang caracass para sa lahat.
<^.^>: Kaya nga. Hindi na naawa. Balak pa tayong idamay sa sama ng loob niya sa pagkakaroon ng ganung mukha (?)
<*-*>: Sinabi mo pa. Gusto ata niyang madepress ang sino mang makakita. Tapos ay magpakamatay sa labis na hinagpis.
<^.^>: Mygad. Grabeh. Nung maopen ko nga yung photos niya, nasambit ko ang Apostle's creed, Our Father, at Hail Mary in Latin.
<*-*>: Hindi kaya signos na yan na malapit na ang katapusan ng mundo?
<^.^>: Ngayon at sinabi mo, napagisip-isip ko na rin! Hahaha! Tapos ang sunod na signos ay pag nagkagirlfriend na si DanMulag at si BaldeJa.
<*-*>: *sign of the cross* Naknamput! Magdasal na tayo niyan Dudz. Maglakad tayo ng paluhod palibot sa buong Pilipinas. Ilista mo na rin lahat ng santong alam mo para maisalba na tayo. SALVATION IS COMING!
<^.^>: Haha! Ay siyangapala, maiba ako. Nabisita mo na ba yung link na sinend ko sayo?
<*-*>: Ha? Wala eh. hehe. Pasensya ka na dudz, busy tong kaibigan mo eh. Ano nga pala yun?
<^.^>: Wala na. Hindi mo na nakita! Yun ang link sa natatanging Buhay na Eyebag na nabubuhay ngayon!
<*-*>: Ay talaga!? Sayang!
<^.^>: SAYANG TALAGA. Kung makikita mo lang. Parang hindi na ata ordinaryong eyebag yun. EyeMALETA na!
<*-*>: Haha! Pakingshet!
<^.^>: Yan mismo ang bukambibig ko mula nung masilayan ko ang kanyang kahindik-hindik na hitsura!
<*-*>: Ano na naman ba ang atraso nun sayo dudz? Alam ko naman na hindi mo pagiinteresan ang eyebags nun kung wala yung kasalanan.
<^.^>: hehe. Kilala mo na nga ako dudz. Well, marami-rami rin siyang kasalanan sa akin eh. Una, NABUHAY siya. Pangalawa, nabubuhay parin siya. Pangatlo, wala siyang lisensya para ipangalandakan ang mukha niyang hindi ko pa nasisiguro kung mukha ba talaga.
<*-*>: hehehe.. Karapat-dapat ngang tsugihin.
<^.^>: Bitaw dudz, malandi siya at feeling matalino. Mali-mali naman mag-ingles. Alam na alam mo namang mainit ang dugo ko sa mga gunggung na nagdudunung-dunungan. Pweh. Maarte pa. Pakingshet! Maitatanong mo tuloy kung BUH-KET FA SHA VINUHAY NG DIYOOOOOS!?
<*-*>: syempre dudz. Balance of nature. Ano na lang kung tayo-tayo lang ang nabubuhay dito. Boring!
<^.^>: Tama, tama. Alam mo dudz. Bago ako pumunta dito. Naisip ko, tiyak sa konting oras na magsasama tayo, dodoble na naman ang kasalanan ko! Haha!
<*-*>: Ungas! Ako rin nga. Hahaha!
<^.^>: Mygad. Mahirap talaga kasi kung wala ka nang makausap na matino sa mundo. Mababaliw ka!
<*-*>: Sinabi mo pa.
<^.^>: Alam mo, pakiramdam ko nga. Ang parusa sa matalino ay ang kanilang katalinuhan. Same way na ang parusa sa matapang ay ang kanilang katapangan.
<*-*>: Naiintindihan kita dudz. Kasi yung binigay sa iyo ng MayKapal na talento ay responsibilidad mong gamitin. TUlad na rin ng mabait. Dahil mabait siya, yun na ang parusa sa kanya. Marami ang aabuso ng kabaitan niya.
<^.^>: OW EM GHEE! Ano ba three! Masyado ata tayong nagiging pilosopikal. Haha! Merong oras para diyan. Sa ngayon, mag-usap muna tayo ng mga light topic. Hehe.
<*-*>: Ay tama dudz, nabalitaan mo? Magrereunion daw tayo.
<^-^>: Anak naman ng kabayong may polio! Uso pa ba yan!? Mygad!
<*-*>: Hahaha! Kaya nga. Alam mo naman na wala talaga akong hilig sa mga ganyang okasyon. Makikita ko lang muli ang mga nakakaasar na mga kaklase natin dati.
<^.^>: Hindi ako pupunta dudz. Marami pa akong importanteng gagawin. Magngangangawa lang naman sila doon.
<*-*>: Tama. Nakakainit nga ng dugo ang makatext sila. Makausap pa kaya!
<^.^>: Hahahaha! Parang alam ko kung bakit umiinit ang dugo mo pag katext sila. Dahil sa mga pa-ekek nila noh!?
<*-*>: Naknamput! Sinabi mo pa! May mga poh-poh pa magtext. Siyeeet! At ang spelling ha! PI-OW-YU-EITCH. POUH. At minsan, may "W" pa! Paaaaaaaaaakyew!
<^.^>: Hahaha! Eyouw pouh. Muztah pouh kayow. Yngatz pow oweiz. Karugtong ang potanginang smiley na minsan may karugtong pang tuldok, kuwit, at tandang pananong. PAKSHET!
<*-*>: *dirty finger sign* Yan lang ang masasabi ko sa kanila. Wala nang tingin-tingin. Diretso na yan.
<^.^>: Haha! Sheeet. Potah! Parang walang pinagaralan.
<*-*>: Hey, hey! Nag-aral ba you!? Foootaaaah!
<^.^>: Kilala mo ako. Hindi ako nagmumura. Pero mygooolai! Nagmumura na ako! Kasi ba naman. Sa dinami-daming utak-bulinaw, mapapamura ka na sa inis!
<*-*>: Grabe dudz. Haha! Tumpak! Sheeet.. Namiss na talaga kita. Mahirap pala talaga kapag matagal na di nagkikita ang dalawang hudas.
<^.^>: Haha! Sinabi mo pa! Wag kang mag-alala dudz. Babalik ako uli dito sa susunod. Nabitin ako sa diskusyon natin. Hahaha!
<*-*>: sige. Aasahan kita.