Monday, June 11, 2007

Pinoy Big Bullshit

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit biglang nauso ang mga walang kwentang mga bagay sa panahon natin ngayon. Nagkaubusan na ba talaga ng supply ng utak sa mundo? Kaliwa't kanang kalokohan. Pero sa lahat nang ito, wala na yatang tatalo sa pambababoy ng Pinoy Big Brother.

Naknamput! Kung meron mang baul ng kabobohan, malamang ito na yun! Ano ba naman kasi itong mga kinukuha ng mga network channels! Mga palabas na walang maidudulot na mabuti sa bayan kundi wasakin ang katinuan ng mga mamamayan habang pinapataba ang mga bulsa nila! Pinageeksperimentuhan nila ang mga tao. Pinag-aaway. Teleserye ng totoong buhay? Hah! KALOKOHAN. Ang totoong buhay ay hindi peke. Hindi OBVIOUS na peke.

Akala ko nung una, ayos ang PBB, pero anak ng putakting may cancer! para ata sa may mga cerebral palsy ang palabas na to! Para sa mga die-hard fans ng show na ito, maari bang pakipulot ng mga kukote niyo. Hindi po ito totoong buhay. Ang totoong buhay ay hindi ganyan ka-OA. Kung sinasabi nila na andiyan ang mga task para magkaroon naman ng kulay ang mga walang kakwenta-kwentang buhay ng mga tao sa loob ng bahay - aba naman! Ang OA ha! Hindi na bagay. Kung thrill at excitement lang din naman ang hinahanap nila, aba eh, kumuha sila ng mga contestants na totoong tao! yung mga kakatawan talaga sa totoong itsura ng Pilipinas. Aba'y andiyan naman ang mga snatcher sa Divisoria, mga rapist sa Pasay, utak-kangkong na politiko, prosti sa QC Circle, ketonging palaboy sa Mendiola, at mga adik na bagong-laya sa Munti. Pick one! Hindi na kakailanganin pa ng tasks! Pakisama lang naman talaga ang pinakamalaking task eh. Magkasubukan sila!

Isa pa itong si Kuya. Letse. Nageenjoy na ata ang engot na to mag-play God. Ang mga tasks na pinapagawa niya ay talaga namang nakakapagtaas ng presyon. Maligo ng dugo ng baboy? Magpanggap na manghuhula? Maghukay ng sandamakmak na lapis? Hanep ah. Tapos kapag hindi mo nagawa yung napakaimposibleng kautusan na yun, parurusahan ka pa! Wow. Ultimate kontrabida, pwede nang soap opera! Kahit siguro si Superman magrereklamo niyan.

Ang Big Brother at iba pang pipitsuging reality search kuno ay pawang mga makinarya upang manghakot ng pera ang mga istasyon. Ano ba ang pakialam ng taong-bayan sa mga inutil na nasa loob? Pag nanalo ba sila, YAYAMAN ANG PILIPINAS!?

Watda- Katarantaduhan. At para sa ikasisiya nating lahat na biniyayaan ng Diyos ng utak, ilalantad ko ang ilan sa mga produkto ng show na ito. Kayo na ang bahalang humusga kung may kinabukasan pa ba ang Pilipinas kapag mga katulad nila ang titingalain ng sambayanan.

PBB Season 1
Racquel Reyes - Pumasok si Racquel sa isang museum, at hindi na siya pinalabas ng management! Siya na lamang ang natitirang miyembro ng mga Homo Erectus! Mabuhay ang sibilisasyon!

Say Alonzo - ang babaeng Neanderthal. Magkalapit ang mga siglong pinamuhayan nila ni Racquel. Pero, ibang klase talaga confidence ng babaeng to. Naghalo na marahil ang kapal ng make-up niya sa kanyang mala-kalabaw na pagmumukha kung kaya't nakakayanan pa niyang ibandila ang itsura niya sa TV. Sana man lang maisip niyang kausapin si Dra Belo para naman masolusyonan kahit paano ang itsura niya. Kahit paano. Kahit maliit lang. Para naman hindi ko na mapagkamalan pang National Geographic ang mga channel kung saan siya nagpapakita.

Cass Ponti - Promding pasosyal. Kawawa naman ang mga kapatid nating Dabawenyo at isang losyang na garapata ang nagrepresent sa kanila. May nabasa akong FHM interview kay Cass, at sa pananalita niya, parang ipinararating niya na anak siya ng haciendera. Aba! Ilusyonada! Kaya nga siya pumunta ng Manila para ibenta ang laman niya dahil wala siyang panustos sa pasosyal niyang pamumuhay. Kahit maligo pa siya sa kilo-kilong almirol, kitang-kita pa rin ang pagiging bayaran niya.

Sam Milby - Hindi na talaga kami mauubusan ng malalait dito. Pakiramdam ba niya tao siya? Sino naman kaya ang utak-dilis na nagsabing gwapo siya? Aba, kung gwapo siya, mala-Adonis na pala ang aso kong galisin. Nakakairita talaga kapag isang bangag na kulangot na katulad niya ang madalas mong makita sa mga poster at TV. Mawawalan ka talaga ng respeto sa sangkatauhan! Nakakasira ng bait!

Nene Tamayo - Matanong ko lang, bukod sa pagrereport ng mga waiting shed na walang ilaw, baradong mga kanal, namatay na kulisap at pagdisplay ng kanyang kahindik-hindik na itsura, MAY IBA PA BANG TALENT ANG BABAENG ITO?!

PBB Teen Edition
Aldred Gatchalian - nakaka-HIGH talaga to siya. Sa tuwing namamalasan ko ang mala-santol niyang ulo, nakakarinig ako ng mga boses na nag-uutos saking basagin ang bungo ng bobitong tumaggap sa kanya sa audition. Whew. Hanep talaga. Para kang nakikipagface-to-face sa Taong Java!

Mikki Arceo - Nakita ko ito sa TV at nagulat ako nang bigla siya ng kumilos at magsalita. Buhay pala! Akala ko bagong install na kubeta sa kusina. Langya! TAO BA TO!? Babayaran ko ng LIMAMPUNG BILYONG PISO ang makakapagbalik sa kanya sa planetang pinaggalingan niya!

Fred Payawan - Feeling gwapo, mukha namang stuntman na walang sweldo! Naway bigyang hustisya ang pamamalagi niya sa mundo at pugutin na ang kanyang ulo para hindi na makapaminsala! Rah! Cadet officer? Aba, pwede ngang ganun ang pasukin niyang propesyon. Hindi kawalan sa Pilipinas kung sakali mang gawin siyang shawarma ng mga terorista!

Nina Jose - Bilib rin ako dito. Mala-tanke ang katawan pero sinliit naman ng munggo ang ulo. At nag-ambisyon pa siyang sumali ng Bb. Pilipinas!? Ah, Ineng. Mga nilalang na marunong mag-shave ang kasali diyan. Plis lang ha? Ni sa hinagap ay hindi ko inambisyon na masulyapan ang mala-rainforest mong kilikili!

Bam Romana - Pinoy version ni Majinbu. Kulang na lang kawayan at mansanas, TSIBUGAN NA! Kung gaano kalaki ang porsyento ng taba sa kanyang katawan, ay ganun ding ka-malnourished ang ang kanyang utak. Matipuhan ba naman ang babaeng Johnny Bravo na si Nina! *sign of the cross*

Mikee Lee - siya ang Dakilang Tuod. Sana man lang inisip niya ang Jesuit teachings ng Ateneo at piniling mamalagi na lang sa paaralan. Masyado ata siyang nagpadala sa kasikatan ng iniidolo niyang tukmol na si Kim Chiu. Para siyang bukung-bukong ng tilapia. At artista na pala tingin niya sa sarili niya ngayon? Hah! Pwede siyang artista sa fantaserye. Siya yung puno. Hindi na siya mahihirapan tutal para rin naman siyang semento umarte.

Gerald Anderson - lamaw na nagkatawang-tao pero palpak pa rin. Nakakasuka! Wag sanang mapapadalas ang pagsulpot ng mala-namamagang kulani na ito at baka mapaaga pa ang kamatayan ko!

Kim Chiu - Nagsisikat-sikatan ang babaeng pinaglihi sa duga ng pusit! Pakalat-kalat na sa mga advertisements. Mabuhay! tangkilikin natin ang mga Butong Pakwan! Kung may mascot lang ang mga labintador, driller, at pala, si Kim Chiu na yun at ang kanyang maalamat na baba. Hanep sa tulis! Parang katam! At nakuha pa niyang magtalumpati sa Rejoice! Mygas! Walang awa. Hindi pa ba sapat na hindi niya ma-pronounce ang salitang "ibabaw" na hindi nagmumukhang minasang tinapay ang bibig niya? Eew! Balita ko nga, hindi siya pinapasok sa isang bar dahil sa baba niya. No carrying of deadly weapons kasi.

PBB Season 2
Maricris Dizon - "Don't dat mami bey! It's a judge. I'm jas hanes!" Tsk. Mga bobo na nga talaga ang nag-aapply sa PBB. Imagine, nakapasok pa tong utak-gulaman na to? Below sea-level ata IQ nito. Pasigaw-sigaw pa! Talo pa ang taga-bundok. At plis lang, wag na nating pag-usapan ang mukha niya. IT DOES NOT EXIST.

Nel Rapiz - Nang bumagsak ang meteor na pumatay sa mga dinosaur, may nakaligtas na lamanglupa na kilala na natin ngayon sa pangalang Nel! Marahil uminom ng pampalaglag ang ina nito nung pinagbubuntis pa siya, wala nang ibang paraan upang ipaliwanag ang nakakapanginig laman niyang pagmumukha!

Bruce Quebral - Sa ngalan ng Amang mahabagin - bakit ba pinahihintulutang mabuhay ang taong ito!? Para siyang janitor na ginahasa ng sekyu! Walang pang galang sa babae. Ang landi! Andali lang sa kanya na iwan ang ex niya dahil sa isang alembong sa Bahay ni Kuya! Tsk. God have mercy!

Wendy Valdez - Gusto ko siyang bigyan ng Canesten para gamitin niyang Feminine Wash. Ang landi ha! Akala mo naman maganda! 99% ng mukha niya MATA! Mala-kontinente pa ang eyebags! At siya pa itong selosa! Siya na nga ang nang-agaw! The nerve.

Mickey Perz - Hanep! Ibang klase talaga si Mickey! Astig! Pwede na siyang i-frontpage sa diyaryo! Tumatanggap pala ng mga uhuging gorilla si Kuya! Akala ko para sa mga tao lang ang PBB! Well, on second thought, questionable pa rin nga kung tao ba talaga yung ibang housemates.

Dionne Monsanto - Pansin ko lang, malalandi ang mga kinukuha ngayon sa PBB. Aba'y parang mamatay ata ito si Dionne kung hindi niya maisagi ang kanyang singit sa lalaki! Subukan niya kayang gumamit ng rake para pangutkot. Baka sakaling umepekto. Pero kahit paano, gusto ko ito siyang arkilahan. Baka gusto niya maging guwardya, kahit sinong nasa tamang katinuan ay tiyak na matatakot sa pagmumukha niya!

Robert Woods - ang hari ng planet septic! Pagmasdan niyong maigi ang kanyang itsura, (goodluck sa paghahanap), mapapansin niyong malaki ang pagkakahawig nito sa kumpul-kumpol na tae ng kangaroo.

Hay nako. Tingnan nyo naman. Yung iba eh hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. May natitira pa naman akong respeto sa sarili ko. Nakakaluray isipin ang mga kalunus-lunos na mga nilalang na ito. Wala man lamang ba tayong incentive sa pagtitiyaga sa mga pagmumukha nila?

Palibhasa dumarami na rin ang populasyon ng mga utak-bulinaw na nananampalataya sa kanila, nararapat lamang na magkaroon ng mga ganitong artikulo na kikilatis sa kahalayang pinanggagagawa nila. Nang sa ganun ay maniwala pa rin akong may natitira pang mga nag-iisip na nilalang sa sanlibutan...